Binabalangkas na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang executive order para sa pagbuo ng Office of the Press Secretary.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag -aaralan na ni Medialdea ang panukala ni Presidential Communictions Operations Office Secretary Martin Andanar na pagbuo ng OPS.
Kasabay nito, umaasa si Andanar na agad nang mapipirmahan ng pangulo ang EO.
Ayon kay Andanar 2016 pa lamang nang nagsisimula ang Duterte administrationagad na niyang ipanukala sa pangulo ang pagbabalik sa OPS para maibalik ang pagkakaroon ng mga press attache’ sa iba’t ibang bansa.
Ipinaliwanag pa ng kalihim na maituturing itong streamlining dahil pag-iisahin na ang PCOO at ang tanggapan ng tagapagsalita ng pangulo kung saan base sa kanyang proposal ay magiging iisa na lamang ang magiging press secretary at spokesman.