Dating Sen. Jinggoy Estrada, sinamahan ni Mayor Erap sa paghahain ng COC

Comelec Photo

Sinamahan ni ng kaniyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada si dating senador si Jinggoy Estrada sa paghahain ng certificate of candidacy sa Comelec.

Muling tatakbong senador si Jinggoy sa 2019 midterm elections.

Kasama rin ni Jinggoy ang kaniyang ina na si dating Sen. Loi Estrada, asawang si Precy at kanilang mga anak.

Tatakbo si Jinggoy Estrada sa ilalim ng PMP na partido ng kaniyang ama.

Aniya, kahit kailan ay ‘di naman niya inabandona ang partido ng kaniyang ama.

Natanong naman si Mayor Erap kung bakit noong si Senator JV Ejercito ang naghain ng COC ay hindi niya ito sinamahan.

Ani Mayor Erap, si Sen. JV ang dapat na lumapit sa kaniya kung nais niya ng suporta.

Sinamahan umano niya ang anak na si Jinggoy dahil lumapit ito sa kaniya.

Read more...