Jose Dalman, Zamboanga Del Norte niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Jose Dalman sa Zamboanga Del Norte.

Naitala ang lindol alas 11:52 ng umaga ng Martes, Oct. 16 sa 43 kilometers north west ng Jose Dalman.

Ayon sa Phivolcs, 53 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity II sa Dipolog City at Zamboanga City at Intensity I sa Sibulan, Negros Oriental at sa Cebu City.

Read more...