Junjun Binay naghain na ng COC; kapatid na si Abby Binay lalabanan sa eleksyon

Inquirer Photo | Jovic Yee

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy para tumakbong mayor sa Makati si Junjun Binay.

Nangangahulugan itong tuloy na ang paglaban ni Junjun BInay sa kaniyang ate na si Makati City Mayor Abby Binay.

Tatakbo si Binay sa ilalim ng local party na Una ang Makati o UAM.

Unang sinabi ni Junjun Binay na marami ang nag-uudyok sa kaniyang tumakbong mayor dahil nami-miss umano ng mga residente ng Makati ang “Binay style of governance”.

Si Mayor Abby naman ay hindi pa naghahain ng kaniyang COC per nagdeklara na ito nang intensyong tumakbong muli bilang mayor.

Read more...