Rep. Pia Cayetano naghain ng COC sa pagka-senador

Kuha ni Ricky Brozas

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy sa Comelec si House Deputy Speaker Pia Cayetano.

Target ni Cayetano na makabalik sa senado.

Mula Rizal Park sa Maynila, nagbisiklita si Cayetano patungo sa Comelec main office sa Intramuros.

Ayon kay Cayetano, tatlong adbokasiya ang kaniyang isusulong sa muling pagtakbong senador.

Una ay ang pagkakaroon ng sustainable transportation sa bansa, ipaglaban ang kalusugan at ang pagpapalakas sa mga kababaihan.

Read more...