Premyo sa Mega Millions sa US, pumalo na sa $654M

Dahil halos tatlong buwan nang walang nananalo, umabot na sa $654 ang premyo sa Mega Millions lottery game sa Estados Unidos.

Ito na ang ikaapat na pinakamataas na premyo sa kasaysayan ng Mega Millions.

Buwan ng Hulyo nang may tumama ng $543 million prize mula sa California.

Ang Mega Millions ay nilalaro sa 44 na estado sa USA, gayundin sa Washington, D.C., at sa U.S. Virgin Islands.

Read more...