“To General Alberto, know that we will constantly face threats and challenges as we trudge the noble path of realizing lasting peace and sustainable development. I trust that you will take up this action as our Army’s new Commanding General,” ayon sa pangulo.
Sa change of command sa Fort Bonifacio sa Taguig, hiniling din ng pangulo sa mga sundalo na suportahan si Alberto para maipagpatuloy ang mga reporma.
Umaasa ang pangulo na dahil sa pakikipag-tulungan ng mga sundalo, makakamit ng gobyerno ang mithiin na magkaroon ng ligtas na bansa.
Kasabay nito, pinasalamatan ng pangulo si dating Army chief Rolando Bautista sa serbisyo na ibinigay sa gobyerno.
Malaki aniya ang naipuntos ng pamahalaan laban sa New People’s Army (NPA) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa sa ilalim ng pamumumuno ni Bautista.
Si Bautista ay itinalaga ng pangulo bilang bagong kalihim ng DSWD.