Pangulong Duterte, hindi iiwan ni SAP Bong Go

Courtesy of Presidential Photographers Division

Kahit naghain na ng kandidatura sa pagkasenador, tiniyak ni dating Special assistant to the president Christopher “Bong” Go na hindi pa rin niya iiwan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, maaring sa pisikal na aspeto magkakahiwalay muna sila pansamantala ni Pangulong Duterte subalit hindi niya tatalikuran ang kanyang pangako na hindi iiwan ang pangulo hanggang sa kamatayan.

Kasabay nito sinabi ni Go na hindi siya patitinag sa mga beteranong senador sa bansa.

Ayon kay Go, magiging plataporma niya ang pagpapalawak ng medical services sa Pilipinas.

Paliwanag ni Go, walang Filipino ang dapat na pagkaitan ng serbisyo medikal.

Read more...