Burgos , Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Burgos sa lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 46 kilometers Northeast ng bayan ng Burgos, 04:44 umaga ng Martes (October 16).

May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...