Calvin Abueva, pinagmulta dahil sa ginawa nitong pagmi-middle finger

Photo by Tristan Tamayo INQUIRER.net

Pinagmulta ng PBA ng P10,000 ang Phoenix Fuel Masters forward na si Calvin Abueva matapos ang ginawa nitong pagmi-middle finger ng dalawang beses sa nakaraang dalawang laro ng kanyang koponan.

Ang dalawang pagkakataon ay ang laban ng Phoenix kontra NLEX at San Miguel Beer noong nakaraang linggo.

Hindi naman itinanggi ni Abueva ang kanyang nagawa na napanood ng live sa TV.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, sinabi sa kanya ni Abueva na hindi na niya muli itong uulitin.

Pinaalalahanan ni Marcial si Abueva na maraming nanonod na mga bata sa kanila.

Read more...