Babae, arestado matapos maaktuhang nakikipagtransaksyon ng droga sa Quezon City

Kalaboso ang isang babae matapos mahulihan ng shabu sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nakilala ang drug suspek na si Annaliza Yumul, 38 taong gulang at isang vendor.

Aniya, dapat ay mangingibang bansa na siya upang mamasukan bilang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh.

Ayon kay PCP 3 commander, Inspector Eliseo Oares Jr., nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagreport tungkol sa nagaganap umanong transaksyon ng droga.

Nang magtungo sa lugar ang mga otoridad ay naaktuhan nila si Yumul at isang hindi nakilalang lalaki na nag-abutan ng iligal na droga.

Ngunit nang makita ang mga pulis ay agad na tumakas ang lalaki at si Yumul lang ang kanilanh naaresto. Narekober mula sa kanya ang dalaaang maliit na sachet ng shabu.

Giit ni Yumul, hindi naman siya ang target kundi ang nakatakas na lalaki.

Aminado rin ito na dati na siyang nakulong matapos mahuli sa kalagitnaan ng pot session.

Sa ngayon ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...