Sa inilabas na advisory ng MPD-Public Information Office (MPD-PIO), kasama sa mga grupong magsasagawa ng tigil-pasada ang PISTON, PUVMP, FEJODAP, ACTO, PASANG MASDA, LTOP, ALTODAP, at Stop and Go Coalition.
Ayon sa MPD, dapat maghanda ang publiko dahil nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa transport strike.
Ngunit ayon kay PISTON National President George San Mateo, wala naman silang ikakasang tigil-pasada bukas o sa ikalawa.
Ayon pa kay San Mateo, fake news lamang ang tigil-pasada na posibleng nanggaling sa kumakalat sa social media.
Noong nakaraang taon kasi ay nagkasa ng dalawang araw na transport strike ang PISTON na may petsang October 16 at 17.
Sa panahong ito ay sinuspinde pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase at pasok sa gobyerno sa buong Pilipinas.