1 patay, apat sugatan sa stabbing incident sa University of California

Sinaksak ng isang estudyante ang apat na katao sa loob ng Univ of Cal sa Merced.

Ang nasabing estudyante na nanaksak ng dalawang kapwa estudyante, isang staff ng unibersidad at isang vendor ay napatay ng mga rumespondeng otoridad.

Pawang nasa ligtas nang kondisyon ang mga nasaksak ayon kay Assistant Vice Chancellor Patti Waid. Dalawa sa kanila ay dinala sa pagamutan habang ang dalawa ay ginamot ng mga paramedics.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang lalaking estudyante ang bigla na lamang nanaksak ng kaniyang ka-eskwela habang sila ay nagkaklase sa loob ng classroom.

Lumabas pa umano ng classroom ang lalaki at saka nanaksak din ng isang staff ng unibersidad at isang vendor bago siya mabaril ng mga otoridad.

Read more...