1 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Roxas Boulevard sa Pasay City

11057730_1067709956606718_2893793537782395268_n (1)
Kuha ni Richard Garcia

(update) Isa ang patay at tatlo ang sugatan sa aksidente na naganap sa southbound lane ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Sumalpok ang isang Mitsubishi Adventure na may plakang WPV 493 sa isang nakahintong 16-wheeler truck.

Wasak na wasak ang nasabing AUV at ilang minuto rin ang itinagal bago naialis ang driver nito mula sa pagkakaipit na nakilalang si Russel Umbrog.

Ayon kay Pasay Traffic Enforcer Ambrosio Payumo nang tuluyang maialis sa kaniyang sasakyan ay wala nang buhay si Umbrog. Idineklara din itong dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital.

Ang tatlong sakay naman ng AUV na isang babae at dalawang lalaki ay pawang sugatan at isinugod din sa nasabing pagamutan.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Janet Pajarillo na nagtamo ng putok sa kaniyang ulo, si Randy Ampuan na nagtamo ng galos sa mukha at kritikal naman ang kondisyon ni Rommel Ohario.

Walang early warning device ang 16-wheeler truck na nasiraan kaya nakahinto sa kalsada.

Read more...