Dating VP Jejomar Binay hindi pakikialaman ang sigalot ng mga anak

Hindi mamamagitan si dating Vice President Jejomar Binay sa kanyang mga anak na sina Mayor Abby Binay-Campos at dating Mayor Junjun Binay.

Sinabi ng nakakatandang Binay inirerespeto niya ang desisyon ng dalawang anak na magharap sa 2019 midterm elections at kapwa asamin ang pinakamataas na halal na posisyon sa lungsod.

Aniya ipauubaya niya sa mga taga-Makati ang desisyon kung sino ang nais nilang mamuno sa kanila base sa may pinakamagandang mandato.

Pagdidiin nito, hindi siya ang makakapagsabi kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa lungsod.

Tatakbo muli si Mayor Abby sa ilalim ng United Nationalist Alliance, samantalang ang
kanyang kapatid naman ay kandidato ng local na Partido, ang Una ang Makati.

Read more...