Tatakbong kongresista si Mocha Uson bilang kinatawan ng Kasosyo Party-list group.
Nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila si Uson para ihain ang Certificate of Nominee and Acceptance o CONA.
Ayon kay Uson nais niyang maging boses at makatulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Una nang inanunsyo ni Uson na siya at tatakbo sa May 2019 midterm elections pero hindi agad ito nakapagpasya kung anong posisyon ang tatakbuhan.
MOST READ
LATEST STORIES