Sa pagbubukas ng day 3 ng COC filing unang naghain ng CONA ang mga party list groups na ISOGDABAW at Talino at Galing ng Pinoy o TGP.
Nakapaghain na rin ng kanilang CONA ang AKO Party-list o Ayoko sa Bawal na Droga at ang RAM Party-list o Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa.
Ang Magdalo Party-list naghain na rin ng CONA na sinamahan pa ni Senator Antonio Trillanes IV bilang suporta.
Naghain na din ng kanilang CONA ang Akbayan Party-list group na sinamahan ni Sen. Risa Hontiveros at dating CHR Chairperson Etta Rosales.
Gayundin ang Bayan Muna Party-list kung saan kabilang sa kanilang mga nominado ay sina Rep. Carlos Zarate, Ferdie Gaite, at Eufemia Cullamat.
Ang iba pang party-list groups na naghain ng CONA ay ang GLOBAL Workers and Family Federation at 1-APTO o Alliance of Public Transport Organization.