LOOK: Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:45 ng umaga, nakasaad na uulanin sa loob ng susunod na dalawang oras ang Metro Manila, Rizal, Quezon, Cavite, Nueva Ecija, Zambales at Pampanga.

Malakas na pag-ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa nasabing mga lugar.

Habang ang Alaminos at Bay sa Laguna; Sto. Tomas, Tanauan, Talisay at Malvar sa Batangas ay nakararanas na ng pag-ulan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...