Capoocan, Leyte niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Capoocan sa lalawigan ng Leyte.

Ang lindol ay naitala sa 7 kilometers north west ng Capoocan alas 10:55 ng umaga ng Lunes, Oct. 15.

Tectonic ang origin ng lindol at 8 kilometers ang lalim.

Naitala naman ng Phivolcs ang Intensity III sa Catbalogan City sa Samar at Intensity II – Kananga, Leyte.

Read more...