Jonvic Remulla muling tatakbong gobernador sa Cavite; Jolo Revilla naghain na din ng COC

Sa local elections, naghain na ng kani-kanilang certificate of candidacy sina Jonvic Remulla at Jolo Revilla.

Isinumite ng dalawa na kapwa ang kanilang certificate of candidacy sa Comelec-Trece Martirez, Cavite.

Si Jolo Revilla ay reelectionist bilang sya ang kasalukuyang vice governor ng lalawigan.

Habang si Remulla naman ay magbabalik gubernardor, dahil ang kaniyang kuya na si Gov. Boying Remulla ang kasalukuyang gubernador ng lalawigan.

Samantala, sa Cainta Rizal, naghain ng kaniyang COC sa pagka-vice mayor ang aktor na si Gary Estrada.

Running mate si Estrada ni Cainta Vice Mayor Pia Velasco na tatakbo namang mayor.

Read more...