Kampanya sa social media hindi maipagbabawal ng Comelec

Hindi kasama sa maipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kampanya ng mga kandidato para sa May 2019 elections sa social media.

Ito ang paglilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez dahil ang social media bilang isang instrumento ng paglalahad ng personal na saloobin ay protektado rin umano ng Konstitusyon.

Gayunman, maari umanong bantayan ng Comelec ang mga bayad na online post o boosted post.

“Iyong mga nagbabayad ka ng mga P200 pesos para dumami ang makakita ng mga post mo. Iyon iyong mga ganoong klaseng add ang binabantayan natin,” paliwanag ni Jimenez.

Dagdag pa ng opisyal, malaya rin ang mga netizen na mangampanya para sa kanilang mga kandidato sa pamamagitan ng social media.

Nito lamang October 11, nagsimula na ang paghahain ng Certificate of Candidacies (COCs) ng mga nais kumandidato sa eleksyon sa susunod na taon at ito ay tatagal hanggang sa October 17.

Read more...