Ayon kay Andanar, co-terminus ang mga undersecretary at assistant secretary.
Hindi aniya permanente ang trabaho nila o kinalalagyan, sa halip ay nagsisilbi sila sa pleasure ng pangulo ng bansa.
Kumpiyansa naman si Andanar na mga propesyunal ang mga taga PCOO at tatalima sa kung ano ang ipag-uutos ng pangulo.
Hindi rin aniya kapit-tuko sa puwesto ang mga taga PCOO.
Sa ngayon, pinayuhan ni Andanar ang nga taga PCOO na atupagin pa rin ang trabaho habang wala pang inilalabas na executive order ang Pangulong Duterte para sa pagtatatah ng OPS.