Tatlong taxi inararo ng pampasaherong bus sa EDSA

AksidenteInararo ng isang pampasaherong bus ang tatlong taxi sa bahagi ng southbound lane sa EDSA malapit sa North Avenue station ng MRT.

Ayon sa driver ng isa sa mga nakaparadang taxi, papahinto siya sa MRT North Avenue station para kumuha ng pasahero nang bigla siyang banggain ng bus.

Wasak ang likurang bahagi ng taxi, habang nabagga pa nito ang dalawa ding MGE taxi sa kaniyang harapan.

Nawalan umano preno ang nasabing bus kaya bumangga sa mga nakaparadang taxi.

Agad namang tumakas ang driver at kunduktor ng “commuter bus” na may plate number na UVY 507 matapos ang aksidente at iniwan ang bus na nakahambalang sa EDSA.

Matapos ang ilang minute ay hinatak na lamang ang bus, para hindi na maabala pa ang daloy ng trapiko sa lugar.

Read more...