Sen. Trillanes nagtungo sa Comelec; Rep. Alejano sinamahang maghain ng COC sa pagka-senador

Inquirer Photo | Jovic Yee

Nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay para samahan si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa paghahain ng certificate of candidacy sa pagka-senador.

Sa kaniyang pagdedesisyon na tumakbong senador sinabi ni Alejano na kailangang magkaroon na ng check and balance sa gobyerno.

Naniniwala naman si Alejano na may sapat pa siyang panahon para ipakilala ang sarili sa publiko lalo pa at mababa ang performance niya sa mga survey.

 

Read more...