Curry at Cousins ng Warrios hindi papatawan ng suspensyon matapos ang insidente sa preseason game kontra Lakers

Hindi papatawan ng suspensyon ng pamunuan ng NBA sina Golden State Warriors stars Stephen Curry at DeMarcus Cousins.

Ito ay matapos ang insidente na naganap sa ma-tensyong laban ng Warriors at Los Angeles Lakers noong Biyernes para sa NBA preseason.

Pumasok sa court ang dalawa habang inaawat ng referee sina Lance Stephenson ng Lakers at Quinn Cook ng Warriors na nasangkot sa hard foul.

Sa ilalim ng panuntunan ng NBA, ang mga manlalaro na aalis sa kanilang bench kapag may argumento ay dapat patawan ng one-game suspension.

Pero ayon sa NBA ang nangyari ay hindi naman maituturing na “altercation” o hindi naman nagkaron ng mainit na pagtatalo o argumento.

Nang pumasok sa court, agad ding inasistihan ni Warriors assistant Jarron Collins sina Cousins at Curry pabalik ng bench.

 

Read more...