Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Book Launching ni dating Pangulong Fidel Ramos na ‘Prosperity Thy Neighbor’ sa Maynila, sinabi nito na dapat magsagawa muna ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad bago maglabas ng mga haka-haka o espekulasyon na ang mga Chinese ang nagpasok sa bansa ng ilegal na droga.
Katwiran ng pangulo, mayroon namang cooperative international intelligence na maaring pagbasehan at gamitin ng mga awtoridad.
Kawawa naman kasi aniya ang mga inosenting sibilyan na agad na nadadawit sa ilegal na droga kahit na walang matibay na ebidensya.
Ayon sa pangulo, kontrolado na ng Asian triad ang operasyon ng ilegal na droga sa Southeast Asia.
Matatandaan na noong Mayo ng nakaraang taon, mahigit P6 bilyon na halaga ng shabu mula sa China ang nadiskubre sa isang warehouse sa Valenzuela City.