Election hotspots mahigpit na binabantayan ng PNP

Tiniyak ng pambansang pulisya na kanilang tinututukan ang seguridad sa mga election hotspots sa bansa lalo na’t papalapit na ang 2019 midterm elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director Oscar Albayalde na bukod sa mga binuo nilang national investigations task force ay mayroon na ring ginawang special operations task group na susubaybay sa lahat ng police operations partikular para sa mga election-related.

Aniya, kabilang sa mga lalawigan na kanilang mahigpit na babantayan ang La Union, Abra, Masbate, Zamboanga, at Lanao del Sur.

Dagdag ni Albayalde, nagkaroon din ng balasahan ng mga pulis sa mga nabanggit na lugar, bilang paghahanda sa halalan.

Pinaigting din aniya ng pulisya ang kanilang kampanya laban sa mga loose firearms at gun-for-hire o private armed groups.

Aniya, sa ngayon ay binabantayan ng pambansang pulisya ang nasa 72 mga gun-for-hire groups na karamihan ay nasa Mindanao.

Read more...