Kumpiynsa ang isang senador na madaling makalulusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si incoming Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, malaki ang tsansa na agad na aaprubahan ng mga miyembro ng CA ang appointment ni Locsin.
Hindi kasi aniya maikakaila na maganda ang naging performance ni Locsin mula nang maitalagang ambassador ng Pilipinas sa United Nations.
Papalitan ni Locsin si Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbong kongresista ng Taguig.
MOST READ
LATEST STORIES