Rice Tariffication Bill sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Nilinaw ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi suspension ng excise tax ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang pagcertify bilang urgent bill sa Rice Tariffication Bill.

Ayon kay Go, ginawa ito ng pangulo para masiguro na sapat at maayos ang supply ng bigas at iba pang pagkain sa bansa.

Paliwanag ni Go, sa ilalim ng Rice Tariffacation Bill, magkakaroon ng masiglang kompitensya ang bigas sa merkado at mapabababa ang presyo nito.

Ginagawa na rin aniya ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para maibaba ang presyo ng produktong petrolyo na nagdududlot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Tuloy din aniya ang pagmonitor ng Department of Finance (DOF) at Department of Energy (DOE) sa presyo ng oil products sa pandaigdigang pamilhan.

Read more...