Fil-Brit actor-singer na si Markus Paterson naaksidente sa Roxas Boulevard

Nick Parker

Na-confine ang Filipino-British actor at singer na si Markus Paterson matapos maaksidente sa bahagi ng Roxas Boulevard service road sa Maynila.

Sakay ang kaniyang motorsiklo, bumangga si Markus sa isang concrete barrier, Biyernes ng umaga.

Kwento ng mga nakasaksi sa aksidente, hindi bukas ang ilaw ng motorsiklo ng aktor at mabilis ang takbo nito.

Paliwanag naman ng “Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi” star, hindi niya napansin ang concrete barrier kaya siya bumangga dito.

Dahil sa lakas ng impact, tumalsik ang aktor at natanggal pa ang helment sa kaniyang ulo.

Ayon kay ABS-CBN safety and events risk management officer Mark Diaz, nabali ang isang binti ni Markus bunsod ng aksidente.

Makikita naman sa Instagram account ni Markus ang pagbisita ng ilan sa kaniyang mga kasamahan sa showbiz industry.

Read more...