Unang dalawang araw ng filing ng COC generally peaceful — COMELEC

Generally peaceful ang unang dalawang araw ng filing ng certificate of candidacy para sa mga kakandidato sa 2019 elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez na bagaman nagkaroon ng kaunting problema ay naging maganda naman ang proseso.

Paliwanag ni Jimenez, nagkaroon kasi ng kalituhan ang ilang aplikante sa pagfill up ng form dahil nagamit ang lumang form ng certificate of candidacy.

Pero agad din aniya itong naayos ng COMELEC.

Sinabi pa ni Jimenez na bagaman may mga naghain ng COC na gumawa ng kakaibang gimik, hindi aniya ito inalintana ng COMELEC. Wala naman aniyang nangyaring hiyawan o girian ang magkakabilang grupo.

Maaari aniyang nagmature ang mga kandidato at mga tagasuporta at naging mas maayos na ang proseso.

Kasabay nito, sinabi ni Jimenez na asahan na mas darami pa ang maghahain ng COC simula bukas hanggang sa October 17.

Agad din aniyang sisimulan ng COMELEC sa October 18 ang pagsala sa mga naghain ng COC at sa buwan ng Disyembre inaasahang makapaglalabas na ang kanilang hanay ng pinal na listahan ng mga kandidato sa 2019 elections.

Read more...