“March to the Polls” rally isinagawa sa Chicago

AFP

Libu-libong katao ang nakiisa sa isinagawang “March to the Polls” rally sa Chicago, araw ng Sabado.

Ito ay para magpakita ng suporta sa Democrats sa nalalapit na November midterm elections.

Makikita sa rally ang ilang malalaking “baby Trump” balloons kasabay ng pagbabandera ng “Vote Blue” banners.

Tutol din ng grupo kay bagong US Supreme Court Justice Brett Kavanaugh na tinawag nilang “anti-woman agenda” ng Trump administration at Republican Party.

Sa isinagawang programa, ipinalabas ang isang video message ni Hillary Clinton kung saan hinihikayat ang mga tao na magparehistro para makaboto sa nalalapit na eleksyon.

Read more...