Ilang bahagi ng Quezon Ave., isasara dahil sa La Naval de Manila grand procession

Muling inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA hinggil sa pansamantalang pagsasra ng ilang bahagi ng Quezon Avenue ngayong Linggo (October 14), dahil sa La Naval de Manila grand procession.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, sarado ang westbound ng West Avenue mula sa split/tunnel ng Araneta Avenue hanggang D. Tuazon sa pagitan ng 4:30 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ang imahe ng Our Lady of the Most Holy Rosary ay ipaparada mula Sto. Domingo Church.

Mula rito, ang prusisyon ay dadaan sa Sto. Domingo Street, kaliwa sa Dapitan Street, kaliawa sa D. Tuazon, kaliwa sa Quezon Avenue westboud hanggang sa makabalik sa simbahan.

From there, the procession will turn left on Sto. Domingo Street, left on Dapitan Street, left on D. Tuazon Street, left on Quezon Avenue

Kaya upang hindi maabala ang mga motorista, maaari na lamang dumaan sa ibang alternatibong ruta.

Sinabi ni Pialago na tinatayang nasa 30,000 na deboto ang makikibahagi sa prusisyon.

 

Read more...