Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr., 72 mula sa 77 private armed groups ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Alam aniya ng mga armadong grupo na target na sila ng pulisya.
Dahil dito, pinaalalahanan ni Durana ang mga armadong grupo na pag-isipang mabuti ang bawat kilos o magsimula na lang magtanim ng kamote bago matunton ng pulis.
Nagsimula aniya ang operasyon ng pulis dalawang buwan na ang nakalilipas.
Sinabi pa ng opisyal na patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng PNP ukol sa eksaktong bilang nito kung saan aabot sa 100 hanggang 200 na grupo ang tinututukan ng pulisya
Sa ngayon, hindi aniya aktibo ang mga ito at naghihintay ng tyempo sa pag-atake.