Jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto, papalo sa higit P1.2 billion

Posibleng pumalo pa sa higit P1.2 billion pesos ang jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Mamayang gabi ay inaabangan kung may makakasungkit na ng mailap na jackpot, o mananatiling “no winner” sa Ultra Lotto.

As of 7:45 umaga ng Linggo (October 14), ang estimate jackpot prize ay P1.160 billion.

Pero dahil inaasahang dagsa muli ang mga taong tataya sa mga lotto outlet sa buong basa, tataas pa ang naturang halaga.

Noong Biyernes (October 12), walang mananaya ang nakakuha ng winning combination na 28-14-54-50-17-27, na may jackpot prize na P1,112,647,388.

 

Read more...