DTI, inilabas na ang SRPs para sa Noche Buena items

Inilabas na ng Department of Trade and Industry o DTI ang listahan ng suggested retail prices o SRPs para sa Noche Buena items.

Layon nito na makatulong sa mga mamimili, lalo’t papalapit na ang holiday season.

Sa Christmas shopping guide ng DTI, makikita ang SRPs para sa mga produktong pang-Noche Buena gaya ng ham, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, pasta o spaghetti at tomato sauce, elbow at salad macaroni, at creamer.

Maaaring i-check ang link na: https://www.dti.gov.ph/media/advisories/9733-christmas-shopping-guide.

Dito makikita ang listahan ng mga brand ng Noche Buena items, para may opsyon ang mga konsumer mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal na produkto.

Bukod naman sa listahan ng Noche Buena goods ay may listahan din ng DTI para sa brand ng Christmas lights.

Ang mga ito ay nakapasa sa mandatory safety tests upang matiyak ang hazard-free holiday para sa publiko.

 

Read more...