Ayon sa 4am weather update ng ahensya, easterlies lamang o mainit na hangin mula sa dagat-Pacifico ang umiiral at nagdudulot ng mahihinang pag-ulan sa Silangang bahagi ng bansa.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Quezon, Aurora, CARAGA at Davao region dahil sa easterlies.
Sa buong Visayas at natitirang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay inaasahan ang maalisangang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, may nakataas pa ring gale warning sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Dahil dito, mapanganib ang paglalayag ng mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat.