Personal na bumisita sa lungsod si United Nations assistant secretary-general for humanitarian affairs Ursula Mueller nitong nagdaang linggo.
Anya, sa pakikipag-usap niya sa mga residenteng nasa temporary shelters ay nakurot ang kanyang damdamin.
Gusto anya ng mga ito na magkaroon ang kanilang mga anak ng access sa edukasyon.
Ayon kay Mueller, kailangan ang tuloy-tuloy na humanitarian assistance para sa mga bakwit.
Dahil dito, nanawagan si Mueller sa international community na suportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa pagtulong sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi.
Sinabi naman ni Mueller na sa kabila ng hindi magandang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang opisyal ng UN ay mananatili ang suporta nito sa gobyerno para sa Marawi.
Kabilang sa mga tulong na naibigay na ng UN ay ang $7.5 milyon na pondo mula sa central emergency response fund.