DNA ni Sen. Poe, hindi tumugma sa ibang kinunan ng sample

 

Inquirer file photo

Hindi nag-match ang DNA na kinuha kay Sen. Grace Poe at sa iba pang kinuhanan ng sample.

Layon sana ng DNA matching na matukoy ang tunay na mga magulang ng senadora at upang mapatunayan na ito ay isang natural born Filipino.

Gayunman, nilinaw ni Poe na hindi lamang ang DNA matching ang tanging batayan upang mapatunayan isa siyang tunay na Pilipino.

Nakasalalay din aniya ang batayan ng kanyang pagiging Pilipino sa pkarapatan ng isang bata na kilalanin bilang Pilipino sa oras na itogn ipinanganak dito sa bansa.

Matatandaang isa sa mga isyung ipinupukol sa senadora ay ang kuwestyon sa citizenship nito dahil isa umano itong ‘foundling’.

Read more...