2 kabilang ang isang town councilor patay sa magkahiwalay na pananambang sa Masbate

Patay sa magkahiwalay na pananambang sa Masbate ang dalawa katao kabilang ang isang incumbent municipal councilor.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang konsehal na si Antonio De Ocampo na pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang mga salarin sa Barangay Katipunan sa bayan ng Placer.

Kasama ng konsehal ang kanyang pinsan na si Michael Angelo de Ocampo ng maganap ang krimen.

Nakaligtas sa pamamaril si Michael Angelo at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Ayon sa pulisya, nagpaplanong muling tumakbo si Antonio para sa 2019 elections at nakatakda sanang magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections, bukas araw ng Lunes.

Patuloy namang inaalam kung pulitika nga ang motibo ng krimen.

Samantala, sa bayan naman ng Uson, pinagbabaril din ang ang dalawang lalaki na sina Oscar Fernandez 28 anyos at Rocco Borris, isang habal-habal driver.

Pinaulanan ng bala ng mga suspek sina Fernandez at Borris sa Barangay Libertad.

Agad na nasawi si Fernandez habang ginagamot ngayon si Borris sa ospital.

Nakilala ang mga suspek sa pamamaril na sina Renald Alvarado, alyas “Pusiw,” at Recto Araneta, alyas “Canyot.”

Agad na tumakas ang dalawa matapos ang krimen at kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga pulis.

Read more...