Nauna nang inanunsyo ng Phoenix Petroleum Philippines na aabot sa P0.80 kada litro ang kanilang kaltas sa gasolina, P0.60 sa bawat litro ng diesel at P0.20 para sa kada litro ng gaas o kerosene.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi ang rollback ng naturang kumpanya.
Inanunsyo na rin ng Seaoil at ng Petro Gazz ang kahalintulad na price rollback ng Phoenix.
Samantala, ang Pilipinas Shell naman ay mayroong P.85 kada litro na bawas sa gasolina, P.65 kada litro sa diesel habang P0.20 para sa gaas.
Epektibo ang nasabing bawas-presyo ng mga ito mamayang alas-6:00 ng umaga.
Sinabi naman ng Petron na bukas, araw ng Lunes, alas-6:00 ng umaga pa sila magpapatupad ng rollback,
Nauna nang inihayag ng mga kumpanya ng langis na bahagyang bumaba sa World Market ang halaga ng petrolyo.
Wala namang inaasahang paggalaw sa susunod na linggo sa halaga ng cooking gas at auto LPG.