CHR: pagkakahalal ng Pilipinas sa UNHRC dapat tumugon sa human rights violations

Hamon sa gobyerno ng Pilipinas na tugunan ang paglabag sa karapatang pantao matapos maihalal ang bansa sa United Nations Human Rights Council.

Ayon kay Commission on Human Rights Spokesperson Jacqueline Ann De Guia, magsisilbing pressure sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang UNHRC election para solusyunan ang mga kaso ng human rights violations.

Giit ni De Guia, sa pagkakaroon ng bansa ng pwesto sa naturang international council ay dapat matugunan ang extra judicial killings na kaakibat ng war on drugs ng gobyerno.

Masusubukan anya ang kredibilidad ng bansa sa abilidad ng kasalukuyang administrasyon na solusyunan ang mga pag-abuso sa karapatan ng mga tao.

Sa panig ng CHR, tiniyak ni De Guia na patuloy nilang gagawin ang kanilang mandato na tumulong sa UN sa pagmonitor ng human rights situation sa bansa.

Read more...