Sa isang statement ay sinabi ni GMA Network Senior Vice President and Entertainment Group head Lilybeth Rasonable na opisyal nang umalis si regine sa kanilang network.
Ayon kay Rasonable, makalipas ang dalawang dekada ay nagpaalam na si Regine sa Kapuso network.
Ang anunsyo ay kasunod ng balita ng ABS-CBN na nakatakdang mag-perform si Regine sa ASA Live in Sydney sa October 20.
Sinabi naman ni Rasonable na naiintindihan nila ang desisyon ni Regine na sundan at samahan ang mister na si Ogie Alcasid na ngayon ay nasa Kapamilya Network na.
Nag-wish ng goodluck ang GMA 7 kay Regine sa paghanap nito ng ibang oportunidad sa labas ng kanilang istasyon.
MOST READ
LATEST STORIES