Groundbreaking para sa Marawi rehab, itinakda sa October 17

Itinakda ng Task Force Bangon Marawi sa October 17 ang groundbreaking rites para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ito ay eksaktong isang taon matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang lungsod sa kamay ng mga terorista.

Matatandaang lubos na napinsala ang Marawi City dahil sa panggugulo ng ISIS-inspired Maute Terror Group.

Iginiit ni Task Force Bangon Marawi Secretary Eduardo del Rosario, ang kahalagahan ng October 17 kaya’t sa araw na ito itinakda ang groundbreaking ceremony.

Ayon sa kalihim, nagdeploy na ang task force ng mga tao upang paghandaan ang seremonya.

Anya, nasa P15bilyon hanggang P16 bilyon ang inaasahang magagastos para sa rehabilitason ng 250 ektarya ng ground zero na sakop ng 24 na barangay.

Target anya na matapos ang muling pagsasaayos sa lungsod sa 2021.

Read more...