Nakilala lamang sa alyas na ‘Bong’ ang 14 anyos na binatilyo.
Ayon kay San Juan City Police Chief Sr. Supt. Dindo Reyes, positibong nag-abot ng P500 halaga ng marijuana si Bong sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Ayon sa bata, ang kanyang supplier ng marijuana ay nakabase sa Sta. Mesa, Maynila.
Iniimbestigahan ng pulisya kung nagsuplay din ba ng ipinagbabawal na gamot si Bong sa kanyang mga kapwa mag-aaral.
Samantala, isang drug suspek din ang naaresto sa isa pang ikinasang buy bust operation sa Barangay West Crame.
Nakilala ang suspek na si Daniel Glorioso, 30 anyos, na nasa drug watch list at dati nang sumuko sa ‘Oplan Tokhang’.
Nakuha mula rito ang tatlong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang buy bust money.
Kasalukuyang nakapiit sa San Juan City Police Detention Cell si Glorioso habang isinailalim naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Department si Bong.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.