Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas ang easterlies.
Ang northeasterlies surface windflow naman ay inaasahang magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Dahil sa naturang weather system, may nakataas na gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan at Ilocos Provinces.
Mapanganib ang paglalayag para sa mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa mararanasan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.