Cayetano at Locsin, magpupulong para sa pagbabago ng liderato sa DFA

Nakatakdang magpulong sina Outgoing Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at incoming Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa Lunes (October 15), upang talakayin ang magiging pagbabago ng liderato sa ahensya.

Si Teodoro ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging kapalit ni Cayetano bilang pinuno ng Department of Foreign Affairs o DFA.

Kasunod ito ng pasya ni Cayetano na tumakbo bilang kongresista ng Taguig City sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Cayetano, nais niyang magkaroon ng symbolic turn-over para kay Teodoro sa susunod na linggo.

Ito’y kung mailalabas na ng Malakanyang ang appointment papers at kung papayag si Teodoro sa seremonya.

Samantala, nilinaw ni Cayetano na hindi siya inutusan ni Pangulong Duterte na kumandidato.

Sa katunayan, humingi umano siya ng suporta sa presidente, na siyang ibinigay naman sa kanya.

Kinumpirma ni Cayetano na maghahain siya ng certificate of candidacy o COC sa Miyerkules (October 17).

Mismong siya rin ang umanin na target niyang maging speaker ng Mababang Kapulungan.

Read more...