P72.M jackpot ng Megalotto 6/45 napanalunan

Maswerteng nasungkit ng dalawang mananaya ang jackpot ng Megalotto 6/45 ng PCSO na tumataginting na P72,786,594.

Sa draw kagabi, lumabas ang winning combination na 23-26-12-10-36-30.

Dahil dalawa ang nanalo, paghahatian nila ang papremyo.

Samantala, bigo namang masungkit ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na P1,112,647,388.

Ang winning combination ay 28-14-54-50-17-27.

Read more...