“We won!”
Yan ang naging mensahe ng Department of Foreign Affairs o DFA sa media makaraang makakuha muli ng pwesto ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council.
Sa ginanap na botohan sa New York, ang Pilipinas ay nakalikom ng 165 votes, mula sa 193-member UN General Assembly.
Ang bawat bansa ay kailangan ng hindi bababa sa 97 votes upang mahalal sa naturang council.
Dahil sa resulta ng botohan, ang Pilipinas ay magsisilbi sa ika-limang termino nito sa UN Human Rights Council o mula 2018 hanggang 2021.
Ang Philippine delegation sa UN ay pinangunahan ni Permanent Representative at incoming Foreign Affaits Sec. Teodoro Locsin Jr.
Nauna nang iginiit ng New York-based Human Rights Watch na hindi nararapat na mabigyan ng “seat” sa UN Human Rights Council dahil sa umano’y malaking bilang ng human rights violations sa bansa, lalo na sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyong Duterte.