Noong pumutok ang ulat, hindi pa masabi ng Facebook kung ilang accounts ang apektado.
Nabanggit din noon ng Facebook na nasa 50 million accounts ang maaaring na na-hack, subalit hindi sila tiyak kung ang mga ito ay na-misuse o nagamit sa mali.
Kabilang sa mga na-access ng hackers ay mga pangalan, email address o phone numbers ng 29 million Facebook accounts.
Pero pinaka-apektado ang nasa 14 million accounts dahil nakakuha ang hackers ng mas maraming data gaya ng hometown, birthdate, huling sampung lugar na nag-check in ang bawat user o labing limang recent searches.
Mayroon namang isang milyong accounts ang apektado, pero bigo raw ang hackers na makakuha ng mga impormasyon.
Plano naman ng pamunuan ng Facebook na magpadala ng mensahe sa bawat accounts na na-hack.